Senator MAR Roxas was interviewed last March 14, 2007 by Joel Reyes of Saksi sa Dobol B about the
passport crisis and on PERC’s survey: RP “most corrupt” in Asia.
Here's the transcript of that interview:
Joel: Ito pong TRO sa kontrata ng passport?
MAR: Everyday ang application for passport halos walong libo at kung ang imbentaryo na lamang ng passport ang siyang gagamitin dadating ang Hunyo sa loob ng tatlong buwan ay wala ng passport na ipamimigay dahil sa ubos na ang nasa imbentaryo ng DFA.
Joel: Maari bang gumawa muna kahit handwritten para lamang can we make do with what we have while there is a TRO?
MAR: Maari namang ipagpatuloy itong sulat kamay na pasaporte pero magpapahaba lamang ito ng panahon na problemado ang ating mga kababayan sa kanilang pagbiyahe kasi ang mga nagsusulat kamay na lang na pasaporte ay iyung mga bansang katulad ng Tunisia, Togo, Nepal sila na lang. Dito sa Asia, tayo na lang ang pinakahuling bansa na hindi machine-readable iyung passport.
Joel: Ano ba ang prinsipyo bakit sulat kamay lamang iyan, paano ang security codes?
MAR: Talagang iyun lamang ang sistema nuong nakaraan at hindi na naging moderno ito nitong mga dekadang ito. Ang problema rito ay sa anti-terrorism na mga ginagawang hakbang ang mga bawat bansa ay ang mas ninanais nila ay itong machine-readable na passport kasi mas sigurado ito.
Joel: Nagkakaroon pala ng problema Senador ng problema yung ating mga kababayan na lumalabas ng bansa kasi hindi pa machine readable ang ating passport.
MAR: Tama po iyun talagang sinasabi natin bagong bayani natin ang mga OFW. Hindi ba’t human reasource ang ating ipinagmamalaki na katangian ng bansa natin na siyang susulong sa ating ekonomiya, itong ating mga OFW, ay dapat gawin natin ang lahat para maging mas sigurado sila.
Eh iyung ating passport diyan lamang sa Recto ay nakakagawa na ng passport hindi ba? At kung ganun ang reputasyon ng ating passport na kahit sa Recto ay nakakagawa ng passport kaya naman pagdating ng ating mga kababayan sa ibat-ibang immigration counters sa ibang bansa ay talagang napapahirapan sila at mas matagal at kung minsan napapagkamalan pa sila kaya’t lalong ini-eksamin, lalong ini-interview at lalong pinapahirapan.
Joel: Reaksyon po ninyo sa survey na ginawa ng PERC, iyung Political and Economic Risk Consultancy na ginawa noong nakalipas na Enero at Febrero mukhang topnocher na naman tayo? Iyung ibang bansang napasama nuong nakalipas na panahon ay medyo naka-angat na at nag-gain pero tayo talagang dumausdos.
MAR: Finally, naging topnotcher tayo? I think that that report needs no further commentary. The report speaks for itself na talagang dapat ito ang dapat pagtuuanan ng pansin.
Joel: Pero ang sinasabi ho kasi ng palasyo ng MalacaƱang ay ano na naman yan ay ang ginamit na datus dito ay lumang datus pa at lipas na mga datus.
MAR: Ang pagka-alam ko diyan sa PERC na iyan ay iyung mga interview ng mga negosyante na lumilibot dito sa Asya. So, ito yung mga luma man o tama o kung ano man ang puntos dito ay iyan ang mga pananaw nitong mga negosyanteng ito na siyang inaasahan natin na pumasok at mag-invest, magtayo ng kanilang mga negosyo sa bansa natin.
Halimbawa, mamayang hapon mayroong debate sa mga tatakbong Senador dapat tanungin ito sa kanila lahat: Anong gagawin po ninyo dito sa bagay na ito? Kung talagang sinasabi ng lahat dapat isulong ang ekonomiya, dapat number one iyan ang dapat pagtutuunan ng pansin ay napakalaking dagok ito na ang pananaw, ang perception nitong mga mamumuhunan na siyang inaakit natin na pumasok rito ay masama.
Joel: So sa mga darating na debate para pagka-senador ay gawing paksa ito?.
MAR: Magandang gawing paksa iyan para naman hindi lamang kanta at sayaw ang ginagawa.
Ano ba talaga ang hinihintay ni Juan dela Cruz? Hindi ba iyung trabaho, iyung laman ng tiyan at laman ng kanilang bulsa. Iyan naman ay lahat ay ekonomiya at kung walang pumapasok dito na negosyante na magtatayo ng pabrika – hindi ibig sabihin ang stock market ha, kasi ang stock market na iyan larong mga mayayaman lamang iyan eh – iyun talagang nagtatayo ng pabrika, nagtatayo ng negosyo dito na siyang nagkakaroon ng employment, iyan talagang hinihintay natin.
Ngayon, kung napakasama ang pananaw nitong mga namumuhunan na ito ay anong pag-asa natin na pumasok nga sila rito? Kaya dapat ito talagang pagtuunan ng pansin kung anuman dapat na gawin ay iyun dapat nang sa ganun ay malutas itong problema na ito.
Kung totoo nga na lumang datus ito ay ang puntos ay iyan pa rin ang pananaw, in other words, the perception is the reality so kahit luma iyan o kahit ano man iyan, ang puntos dito ay iyan ang pananaw nila kaya’t dapat gumagawa na tayo ng mga hakbang nang sa ganun ay mabura itong pananaw na ito.